Archives‎ > ‎Latest News‎ > ‎

Catechetical Week 2013

posted Dec 7, 2013, 8:48 PM by Mary Grace dela Cruz   [ updated Jan 22, 2016, 8:29 PM ]

Nakiisa ang Tortugas Elementary School (TES) sa Catechetical Week Celebration noong ika-20 ng Setyembre. Ginanap sa AVR ng TES ang patimpalak sa Poster Making Contest at Slogan Makign Contest na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa M. Delos Reyes Memorial Elementary School, Pto. Rivas Elementary School at Tortugas Elementary School.

            Pinasimulan ang nasabing patimpalak ng isang panalangin ni Sister Tina na sinundan naman ng pagbati ng aming masipag na punong-guro ng aming paaralan na si Gng. Zenaida C. San Pedro. Matapos nito ay pinasimulan na ang Poster Making Contest at Slogan Making Contest. Bawat kalahok ay kakikitaan ng husay at galing sa kanilang mga obra. May kanya-kanyang ideya ang bawat mag-aaral na hindi dapat lalayo sa temang: “Fidelity to the Gospel, Fidelity to Christ”

Samantala, humakot ng panalo ang mga piling mag-aaral ng Tortugas Elementary School sa pagdiriwang ng Catechetical Week na may temang “Sumasampalataya Ako” sa parokya ng Imaculada Concepcion ng Pto. Rivas noong Setyembre 27, 2013.

            Nasungkit ng TES ang unang pwesto sa Interpretative Dance, Ikatlong pwesto sa Slogan Making Contest at ikalawa at ikatlong pwesto rin sa Essay Writing Contest.

            Hindi matatawaran ang galing at husay na ipinamalas ng mga mag-aaral ng TES sa nasabing patimpalak.

 

Comments