Archives‎ > ‎Latest News‎ > ‎

Libreng School Supplies, Ipinamahagi

posted Jul 25, 2011, 9:47 PM by Mary Grace dela Cruz   [ updated Jan 22, 2016, 8:29 PM ]
Inilunsad ang pamamahagi ng mga libreng school supplies sa mga mag-aaral ng lahat ng paaralan sa Lungsod ng Balanga sa pangunguna ni Mayor Jose Enrique S. Garcia III at sa pakikipagtulungan nina Gov. Enrique "Tet" Garcia at Cong. Albert S. Garcia, Hulyo 29, 2011.
Isinagawa ang nasabing pamimigay sa Tortugas Elementary School bandang alas 10 ng umaga kung saang ang lahat ng mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade VI ay nakatanggap ng mga libreng notebook, lapis at ballpen. Katuwang ni Mayor Joet sa pamimigay ng mga nasabing school supplies sina Counselor Val Joseph Fernandez, Committee on Education; Dr. Merlinda Tablan, District Supervisor ng District I; Hon. Victor Baluyot, Brgy. Captain ng Tortugas kasama ang kanyang mga konsehal ng baranggay; GPTA officers at mga guro ng paaralan.
Nakatanggap ng 4 na pirasong writing notebook at isang lapis ang mga mag-aaral sa Kinder. Anim na piraso naman at isang lapis din sa mga mag-aaral mula Grade I hanggang Grade III at walong composition notebook at isang ballpen naman sa mga Grade IV, V at VI.
Lubos ang naging kasiyahan at kasabikan ng mga mag-aaral at maging ng ilang mga magulang na nagtungo sa paaralan sa pagtanggap ng mga nasabing school supplies. Malaking tulong umano ang mga ito lalo na at maraming bata ang halos paubos na ang mga pahina ng notebook at wala ng mga lapis at ballpen na magagamit sa kanilang pag-aaral. Nangako naman ang mga mag-aaral na kanilang iingatan at gagamitin sa pag-aaral ang mga biyayang natanggap mula sa lokal na pamahalaan. Sa pagtatapos ng programa ay nagbigay ng malakas na malakas na sigaw ng pasasalamat ang mga bata sa mga taong nasa likod ng nasabing programa na sina Gov. Tet, Cong. Abet at Mayor Joet.
Comments