Archives‎ > ‎Latest News‎ > ‎

Bagong Pamunuan ng SPG,Iprinuklama

posted May 10, 2011, 5:41 PM by Mary Grace dela Cruz   [ updated Jan 22, 2016, 8:29 PM ]

Alinsunod sa Dep Ed Memorandum No. 504 s. 2010, ay nagkaroon ng sabayang pagsasagawa ng eleksiyon para sa mga mamumuno ng Supreme Pupil Government o SPG para sa taong 2011.

Nagsimula ang pagpapasa ng sertipiko ng kandidatura noong Perbreo 1-4 habang ang pinal na listahan ng mga kandidato naman ay inilahad noong ika-11 ng nasabi ring buwan. Binigyan ng halos isang lingo ang mga kandidato upang magsagawa ng kamapanya sa buong paaralan na nagsimula noong ika 14 ng Pebrero hanggang ika-dalawampu’t isa ng nasabi ring buwan. Isinagawa naman ang aktuwal na pagboto at pagpoproklama sa mga nanalo noong ika-23 ng buwan ding iyon.

Narito ang kumpletong listahan ng mga kumandidato at ang mga nanalo at naiproklama.

Pinangunahan nina Kyla M. Santiago bilang president, Lourisse Jane Cariño bilang vice-presidente, Nikki Hershey Dionisio bilang sekretary, Mark Gioffrey Salvador bilang Auditor, Dayanara Jean Laborcero bilang Treasurer, Mark Arnel Almario bilang P.I.O, Nicko Carlo Dionisio  bilang P.O, Rociel Mae Guevarra bilang Muse at Mark Jordan Baluyot bilang escort ang partidong Kabataang Lakas. Pinangunahan naman nina Camille Sanchez, Kimberly Mariano, Jenny Ladera, Dancel Barde, Rhizia Joyce Sanchez, Mark Joel Sanchez, Paul Justine Sanchez, Angel Grace Hipolito at Aldrin Ian Laborcero ang partidong “Kabataang Handang Tumulong”.

Nagwagi sa naturang eleksiyon ang karamihan sa miyembro ng partidong “Kabataang Lakas.” Iprinoklamang nanalo sina Kyla M. Santiago bilang president, Lourisse Jane Cariño bilang vice-presidente, Nikki Hershey Dionisio bilang sekretary, Rhizia Joyce Sanchez bilang Auditor, Dayanara Jean Laborcero bilang Treasurer, Mark Arnel Almario bilang P.I.O, Nicko Carlo Dionisio  bilang P.O, Angel Grace Hipolito bilang Muse at Mark Jordan Baluyot bilang escort.

Layunin ng SPG na maturuang maging mabuting lider ang mga mag-aaral at magkaroon sila ng kabatiran sa kanilang mga responsibilidad sa paaralan .

Comments