Archives‎ > ‎Latest News‎ > ‎

Training para sa mga CJ at SPA, ikinasa

posted May 18, 2011, 5:42 PM by Mary Grace dela Cruz   [ updated Jan 22, 2016, 8:29 PM ]
Seryoso ang Paaralang Elementarya ng Tortugas sa layunin nitong mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsulat ng balita o journalism kung kaya't isang training workshop ang isinagawa para sa mga mag-aaral at guro ng paaralan na ginanap sa Audio Visual Room ng paaralan, May 19-20.
Ang dalawang araw na training na ito ay naglalayon din na makapili ng mga batang isasabak sa darating na Division Schools Press Conference na ginaganap taun-taon. 
Naging tagapagsalita sa nasabing training si Mr. James Pagaduan na kilala sa larangan ng journalism at broadcasting sa buong Bataan at kasalukuyang pangulo ng Bataan Public School Teachers Association (BPSTEA) at ang kanyang ina na si Mrs. Josephine Pagaduan na dating guro sa Bataan National High School at isa ring batikang manunulat.
Tinalakay sa nasabing seminar ang iba't ibang kategorya sa press conference na Newswriting, Sports writing, Feature writing, Editorial writing, Editorial cartooning, Photojournalism, Copy reading and headline writing at broadcasting. Matapos ang talakayan, sumabak na sa pagsulat ang mga mag-aaral at mga guro.
 
 
Comments