Archives‎ > ‎Latest News‎ > ‎

Talento ng mga batang Tortugas, Ibinandera

posted May 10, 2011, 5:07 PM by Mary Grace dela Cruz   [ updated Jan 22, 2016, 8:29 PM ]

Hindi na nga maitatanggi ang kahusayan ng mga batang Tortugas sa iba’t ibang larangan ng sining lalo na sa pagsayaw. Sa ikalawang pagkakataon ay nagtanghal ang mga mag-aaral ng Tortugas sa Plaza Mayor De Balanga bilang bahagi at pakiisa sa programa ng lokal  na pamahalaan ng Balanga na Weekend Family Fest kung saan kada Biyernes ay may nagtatahanghal o may panoorin sa nasabing plaza.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na maibandera ng mga Tortugas ang kanilang husay sa larangan ng pagsayaw. Matatandaan na noong Oktubre ay nagpakitang gilas sa entablado ang mga mag-aaral at maging ang mga guro ng paaralan nang maging bahagi sila ng Dance Evolution kung saan ipinakita ang iba’t ibang sayaw mula 1970’s hanggang sa pinakamakabagong sayaw sa kasalukuyan.

Tatlong natatanging bilang ang ipinakita ng mga mag-aaral ng Tortugas mula sa ika-apat, ikalima at ika-anim na baitang. Naging matagumpay ang pagtatanghal ng mga mag-aaral sa kabuuan. Ayon sa punongguro ng paaralan, “nag-level up” na ang mga bata sa kanilang pgpapakita ng talent. Inaasahan na mas lalo pang mapapahusay ang kakayahan ng mga bata hindi lamang sa akademiko kundi maging sa iba’t-ibang larangan upang ma-develop ang kanilang kabuuan.

Comments