Archives‎ > ‎Latest News‎ > ‎

General Assembly

posted Nov 26, 2013, 9:43 PM by Mary Grace dela Cruz   [ updated Jan 22, 2016, 8:29 PM ]

Ginanap ang Parents General Assembly sa Paaralang Elementarya ng Tortugas nitong Huyo 26, 2013 sa  covered court ng paaralan. Layunin ng pagpupulong na ito na maipaalam sa mga magulang at sa buong komunidad ang estado ng paaralan at ang mga plano nito hinggil sa pagpapataas ng antas ng kalidad ng edukasyon at maging sa pagdidisiplina ng mga mag-aaral.

            Bilang panimula sinimulan sa isang panalangin sa pangunguna ni Gng.Allen Jane P. Macalinao,guro sa pre-elem na sinundan ng isang makabayang awitin sa pagkumpas ni Gng.Anna May D. Macalinao,guro sa unang baitang. Para malaman kung ang bawat baitang ay may mga magulang na nagsidalo ay nagkaroon muna ng roll call sa pangunguna ni Gng.Rofelia D.Buenaventura,guro sa ikatlong baitang. Siya ay nagpatugtog ng isang masiglang sayaw na “Gentlemen” na ikinatuwa ng mga magulang.

            Ang aming  punong-guro na si Gng.Zenaida D.San Pedro ay nagbigay ng kanyang mensahe sa lahat . Kanya ring ipinaabot ang taos pusong pagbati sa mga bagong halal na GPTA para sa taong kasalukuyan. Si Gng. Connie M. Andrade,guro sa ika-apat na baitang ay nagsalita tungkol sa buong taong aktibidades, Nagbigay naman ng isang magandang karanasan bilang magulang si Gng. Wilma Gatdula kung paano niya itinaguyod ang kanyang mga anak makapagtapos lamang sa pag-aaral.

            Isang pamukaw siglang awit naman ang inihandog ng dalawang bata  mula sa baitang VI. Si Gng. Jennifer Pajares naman,floating teacher ang siyang nagtalakay sa mga Best Practices, na sinundan muli ng aming butihing Punong guro na si Gng Zenaida San Pedro na nagbahagi ng tungkol sa naging resulta ng Achievement Test  ng aming mga mag-aaral. Tinalakay naman ni Gng Macalinao katuwang si gng.Buenaventura ang tungkol sa  Disiplina at si Gng Cauillan,guro sa ika-limang baitang ang Patakaran o Panuntunan naman na  dapat sundin sa paggamit ng Covered Court.

         Nagpasalamat naman ang bagong halal  ng GPTA bilang pangulo ng pamunuan na si Ginoong Ceasar Salaveria na nagpaabot ng mensahe sa lahat ng magulang na patuloy lamang na sumuporta sa  pangangailangan ng ating Paaralan. At bilang pangwakas na pananalita ang  GPTA President 2012-2013 na si Gng Mary Ann Diwa  na nahalal naman na bagong Bise Presidente ay nagpasalamat sa lahat ng mga guro, panauhin at mga magulang na nagsidalo sa nasabing Parent Assembly.

Comments