Convocations‎ > ‎

April 2011

posted May 11, 2011, 8:05 PM by Mary Grace dela Cruz

ELEMENTARY GRADUATION

April 3, 2011

 

Ginanap ang pagtatapos ng mga bata sa ika-anim na baitang nitong ika-3 ng Abril taong kasalukuyan  na dinaluhan nina PSDS-District I, Mrs. Flordeliza V. Tuazon, EPS-I Mathematics, Gng. Emelita A. Yumena, at nga mga punongguro mula sa iba’t ibang paaralan sa unang distrito kasama rin ang masipag na Brgy. Captain ng Tortugas ,Victor A. Baluyot Jr at kanyang mga kagawad.

 

            Nagsimula ang palatuntunan ng pagtatapos sa pamamagitan ng isang awit panalangin ng mga piling mag-aaral ng ikalimang baitang. Sinundan ito ng pag-awit ng pambansang awit sa pagkumaps ni GngNovalyn R. Cauilan, guro ng baitang V. Matapos nito, ay pinasimulan na ang seremonya ng pagtatapos na kung saan iniharap ang mga batang magsisipagtapos ni Gng. Jennifer G. De Guzman, Punong-Guro II ng aming paaralan, kasunod nito ay ang pagpapatunay ni Gng. Emelita A. Yumena at ang pagpapatibay naman ni Gng. Flordeliza V. Tuazon.

Kasunod ng nasabing bahagi ng palatuntunan ay ang pamamahagi ng mga medalya sa mga batang nagkamit ng karanglan sa ika-anim na baitang sa pangunguna ng butihing Mayor ng Lungsod ng Balanga, Kgg. Jose Enrique S. Garcia III kasunod ng kanyang pagbati at makabuluhang mensahe. Sa kanyang mensahe ay ginamit niya ang linya ng mga sikat na cartoon characters upang bigyan ng inspirasyon at aral ang mga mag-aaral at maging ang mga magulang.binigyan din ng pagkilala ang mga gurong nagkamit ng karangalan sa mga paligsahan at pandibisyong kumpetisyon. Pinarangalan naman si Gng. Novalyn R. Cauilan bilang Dakilang Guro Awardee sa taong ito. Binigyang pagkilala rin ang mga natatanging pamilya sa barangay Tortugas, ang pamilya ni G. at Gng. Mario Pajares at ang pamilya nina G. at Gng. Rolando Hipolito.

Matapos nito ay nagbigay ng kanyang “valedictory address” ang batang nagkamit ng unang karangalan na si Darling C. De Leon. Sinundan din ito ng panunumpa ng mga batang nagsipagtapos at ng kanilang maramihang awit.

Sa ikalawang bahagi naman ng palatuntunan ay binigyang pagkilala ang mga natatanging bata na nagkamit ng karangalan mula una hanggang ika-limang baitang. Kasunod nito ay ang iba’t ibang sayaw na itinanghal ng mga mag-aaral mula sa una hanggang ika-limang baitang.    
Comments