Convocations‎ > ‎

August 2013

posted Dec 6, 2013, 11:37 PM by Mary Grace dela Cruz
 
Selebrasyon ng Buwan ng Wika
. Muling ipinagdiwang ang buwan ng Agosto sa Mababang paaralan ng Tortugas. Ito ay pagbibigay pugay kay Manuel L. Quezon na siyang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.

          Kaya naman noong ika-30 ng Agosto ay nagkaroon ng programa ukol sa pagdiriwang ng Buwan Wika na may Paksang:  “Wika Natin ang Daang Matuwid” Ang programa ay sinimulan sa isang mataimtim na panalangin na pinangunahan ni Bb. Mary Grace Dela Cruz, guro sa baitang II na sinundan naman ng pag-awit ng pambansang awit na kinumpasan ni Gng. Connie M. Andrade. Hindi naman makukumpleto ang  programa kung wala ang pagbati ng  maganda at mabait na punong-guro ng mababang paaralan na si Gng. Zenaida C. San Pedro, para sa  lahat. Bago umpisahan ang tagisan sa maramihang pagtula ay nagkaroon muna ng pamukaw siglang bilang ang kinder na may pinamagatang “Pag-ibig sa Sariling Wika” sa pamumuno ni Gng. Allen P. Macalinao. Matapos nito, pinasimulan na ang tagisan ng pagtula ng Primary at Intermediate, ang Primary sa temang “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino at sa Intermediate para sa temang “Ako’y Wika”. Sa kanilang pagtula masasabing ang bawat baitang ay nagsipaghanda upang maipakita sa lahat ang kanilang galing at husay sa larangan ng pagtula. Sa primary ang nahirang na nagwagi ay mula sa baitang III-A, samantala sa Intermediate naman ay nagwagi ang baitang V.  Binigyang parangal din sa araw na ito ang mga nagwagi sa ginanap na poster making contest, slogan making contest, essay writing contest at quiz bee noong ika-15 ng Agosto para sa poster making contest sa primary na si Yssabelle Mari Fabian mula sa III-A. Sumunod ang Slogan Making Contest sa primary na si Elgie Timbang at si Ysabela C. Maglaque para sa Quiz bee buhat pa rin sa III-A at sa Intermediate naman nakamit ito ni Charvin Ashley Ragenil at si Camille Beltran para sa Quiz Bee mula naman sa baitang IV. Nahirang naman para sa essay writing ang likha ni Therese Audrey Nulod ng ikalimang baitang. Kasunod din nito ay ang pagbibigay parangal din sa mga nahirang na Huwarang Mag-aaral.

          Masasabing naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sapagkat naipakita ng bawat isa ang kanilang galing at husay sa larangan ng pagtula at mananatilli sa kanilang puso’t isipan ang kahalagahan ng nasabing pagdiriwang magpakailanman.

Comments