Convocations‎ > ‎

August 2010

posted May 11, 2011, 7:28 PM by Mary Grace dela Cruz

Linggo ng Wika

Agosto

 

 

           Tuwing sasapit ang buwan ng Agosto, hindi maikakailang nangingibabaw ang pangalan ni Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Kinilala siya at hinangaan dahil sa napakahalagang papel na ginampanan niya sa buhay natin. Siya ang naging susi upang mabuklod ng may pagkakaunawaan ang bawat Pilipino. Ang pagkakaunawaan ang nagbunsod ng pagkakaisa sa mga Pilipino. Sa tulong ng wika, nagkaroon ng kahulugan ang mga mithiin at layunin nating mga Pilipino.

 

            Bilang pag-alala sa kagandahang naidulot ng wika sa atin, kami sa paaralan ay nagkaroon ng munting palatuntunan. Nagsimula ang palatuntunan sa isang panalangin sa pangunguna ni Ginoong Jefferson V. Nisay. Sinundan naman ito ng pagkumpas ni Gng. Anna May D. Macalinao para sa Lupang Hinirang at Gng. Carla Rivera para sa pagkumpas sa Balangueño Hymn.

 

            Isang mainit na pagbati at mensahe ang ipinahatid n gaming masipag at butihing punong-guro, Gng. Jennifer G. De Guzman kaugnay ng Linggo ng Wika.

 

            Nagkaroon ng munting pagsalaysay at maiksing tanungan sa buhay ni Manuel L. Quezon.

 

            Isang pamukaw siglang bilang ang ipinakita ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang.

 

            Sa pgpapatuloy ng palatuntunan ay ipinakilala isa-isa ang mga hurado bago ang pagsisimula ng paligsahan ng talento sa pagtula at pag-awit. Ang  mga hurado ay sina Gng. Jennifer N. Pajares, guro sa EPP, Gng. Corazon C. Garcia, Guro sa Matematika, Gng. Ma. Fe Magat at Gng. Marivic Bartolome, mga aktibong miyembro ng GPTA Officers at Tagapayo ngayon.

 

            Sinimulan ang tagisan ng pagtula sa kinder hanggang ikatlong baitang. Galing ng boses at pagsayaw naman ang ipinamalas ng mga bata mula sa ikaapat na baitang hanggang sa ikaanim na baitang. Ang mga naging batayan sa paghusga ng paligsahan ay ang mga sumusunod. Orihinal na komposisyon: 40%, Nilalaman ng Awit at Tula: 30%, Tindig at Boses: 20% at Pagpalakpak ng mga Manonood; 10% na may kabuuang puntos na 100%.

 

            Habang inaabangan ang resulta ay nagbigay ng parangal para sa mga Huwarang Mag-aaral sa buwan ng Agosto. Mula sa Pre-elem (Pang-umaga) ay si Micah Angela F. Bautista at Carhl Andrei D. Gionson  para naman sa panghapon, sa baitang I ay si Camille Kasandra S. Beltran, Alynna Yvette C. Sumile para sa baitang II, Kate Crisshel Cruz, para sa baitang III, Nikki Hershey R. Dionisio para sa baitang IV, Angelyn Santos para sa baitang V at para sa baitang V naman ay si Mary Christian Joy Sanchez.

 

            Ang nagwagi sa pagtula ay si Kate Andrea D. Dungan mula sa ikalawang baitang sa patnubay ni Gng. Concepcion M. Tuazon at ang nagwagi naman sa pag-awit ay ang ikaanim na baitang sa patnubay ni Gng. Carla D. Rivera.

 

            Masaya at naging maayos ang naging pagtatapos ng palatuntunan.

Comments