Convocations‎ > ‎

August 2012

posted Apr 23, 2013, 6:49 PM by Mary Grace dela Cruz

           BUWAN NG WIKA: Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino.         

Tuwing buwan ng Agosto ng kadataon ay ipinagdiriwang na natin ang Buwan ng Wika. Ito ay pagbibigay pugay kay Manuel L. Quezon na siyang Amang Pambansang Wikang Filipino.

Kaya naman noong ika-31 ng Agosto ay nagkaroon ng program na ukol sa pagdiriwang ng Buwan Wika na may Paksang:  “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas na Pagka-Pilipino” Pinasimulan ang program ang isang mataimtim na panalangin na pinagunahan ni Bb. Mary Grace Dela Cruz, guro sa baitang II-A na sinundan na man ng pag-awit ng pambansang awit sa pagkumpas ni Gng. Connie M. Andrade. Hindi naman makukumpleto ang aming programa kung wala ang presensyang aming maganda at mabait naming punong-guro na si Gng. Zenaida C. San Pedro na nagbigay rin ng mensahe para sa aming lahat. Bago umpisahan ang tagisan sa pagtula ay nagkaroon muna ng isang laro nakilalang-kilala natin sa tawag na Pinoy Henyo na kung saan mga piling guro at magulang ang mga napiling maglaro. Mga bayani ang nagging paksang larong Pinoy Henyo na kung saanito ay nagsilbingpaggunitasaArawngmgaBayani o angtinatawagnating National Heroes Day. Mataposni to, pinasimulan na ang tagisan ng pagtulang  Primary at Intermediate, ang Primary at Intermediate ay may magkahiwalay na piyesang kanilang pinaglabanan sa pagtula. Sa kanilang pagtula masasabing ang bawat isa ay nagsipaghanda upang maipakita sa lahat ang kanilang galing at husay sa larangan ng pagtula. At upang pasayahin ang mga nanonood ay nag handog ng pamukaw siglang bilang sina Camille Kasandra S. Beltran at Niña Chrislene Novelo. Sa primary ang nahirang na nagwagi ay mula sa baitang III nasi Camille Kasandra S. Beltran, samantala sa Intermediate naman ay nagwagi ang baitang IV. Binigyan ng parangal din sa araw na ito ang mga nagwagi sa ginanap na poster making contest at slogan making contest noong ika-15 ng Agosto. Kasunod din nito ay ang pagbibigay parangal din sa mga nahirang na Huwarang Mag-aaral.

Masasabing nagging makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sapagkat naipakita ng bawat isa ang kanilang galing at husay sa larangan ng pagtula.

Comments