Convocations‎ > ‎

December 2010

posted May 11, 2011, 7:37 PM by Mary Grace dela Cruz

CHRISTMAS PROGRAM, GIFT GIVING AND FAMILY DAY

December 17, 2010

 

 

            Ipinagdiwang ng aming paaralan ang Christmas Party noong nakaraang Disyembre 17, 2011 ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. Naging masaya ang pagdiriwang na ito sapagkat hindi lang mga mag-aaral ang nakisaya sa araw na ito. Kasama rin dito ang kanilang mga magulang upang makisaya sapagkat idinaos kasabay nito ang Family Day.

 

            Bago simulan ang programa ay nagparada muna ang mga mag-aaral suot ang kanilang mga magagarang costume para sa nasabing programa. Matapos nito ay pinasimulan ito ng isang awit panalangin na nagmula sa mga piling mag-aaral ng pre-elem at baitang V. Sinundan naman ito ng pag-awit ng national anthem at Balangueño Hymn  sa pagkumpas ni Gng. Connie M. Andrade, guro sa baitang IV. Matapos nito ay nagbigay ng isang makabuluhang mensahe ang aming pinakamamahal at tunay na napakasipag na punong-guro ng aming paaralan na si Gng. Jennifer G. De Guzman. Kasunod din nito ay ang masayang pagbati naman na aming masipag na Punong Barangay ng Tortugas na si Kgg. Victor A. Baluyot. At upang talakayan ang mga magaganap sa buong araw ng programa na ito ay naroon si Gng. Concepcion M. Tuazon, guro sa baitang II.

 

            Sa pang-umagang programa ang nagkaroon ng pagpapakitang gilas sa pagsayaw ang bawat mafg-aaral sa bawat baitang. Pagkatapos noon ay nagkaroon ng limang klase ng parlor games na sinalihan ng mga mag-aaral na labis na ikinatuwa ng bawat isa. At matapos nito ay nagkaroon ang mga GPTA Officers ng Bingo na kung saan lahat ng mga mananalo sa kada pattern ng laro ay makakatanggap ng mga papremyo na mga grocery items handog ng GPTA Officers.

 

            Matapos ng laro ay masayang nagsalu-salo ang mga guro, magulang at mga mag-aaral. Napakaraming mga pagkain ang inihanda ng bawat baitang para sa kanilang klase.

 

            Muling itinuloy ang programa matapos ang masaganang salu-salo ng bawat isa. Sa pagkakataon namang ito hindi patatalo ang mga magulang sa kanilang mga anak, kaya naman lahat ng mga magulang sa bawat baitang ay nagsipaghanda ng maindak na bilang. Matapos nito ay nagkaroon ng parlor games para sa mga magulang na kung saan lahat ay masayang nakibahagi. Sinundan naman ito ng pagbibigay ng mga mumunting regalo para sa piling mag-aaral na may mahirap na buhay. Matapos nito isang Bingo ulit ang ginanap upang mas painitin pa lalo ang hapon sa maraming papremyo.

 

            Sa pagtatapos ng programa ay nagkaroon ng awarding of winners sa bawat kategorya. Tulad ng sa Best Parol, Best Building Décor, Best Costume, Best Presentation of Pupils at Best Presentation of Parents. Lahat ng mga nanalo ay nakatanggap ng mga papremyo at regalo.

 

 

 

Comments