Convocations‎ > ‎

December 2012

posted Apr 23, 2013, 8:45 PM by Mary Grace dela Cruz

Muling ipinagdiwang ng Paaralang Elementarya ng Tortugas ang pasko nitong nakaraang ika-20 ng Disyembre kung saan napuno ng kasiyahan ang mga mag-aaral, guro at mga magulang. Nagsimula sa isang parada ang selebrasyon kung saan ibinandera ng mga mag-aaral mula sa kinder hanggang grade 6 ang naggandahan at makukulay nilang kasuotan kung saan ang ilan ay mga nakacostume pa tulad ng anghel at siyempre sina Maria, Jose at ang batang si Jesus.

            Matapos ang parada ay pinasimulan na ang programa sa pangunguna ni Bb. Mary Grace C. Dela Cruz sa panalangin na sinundan naman ng pagkumpas ng pambansang awit ni Gng. Connie M. Andrade. Isang makabuluhan at mainit na pagbati naman ang ibinigay ng magandang punongguro ng paaralan na si Gng. Zenaida C. San Pedro. Pagkatapos ng maikling opening program ay pinasimulan na ang kumpetisyon ng bawat baitang para sa kanilang Christmas presentation. Unang nagpakitang gilas ang mga bulilit mula sa kinder sinundan ng grade 1 at tuloy-tuloy hanggang sa grade 6. Nagwagi sa primary ang mga mag-aaral ng grade 3 habang grade 4 naman ang namayani sa intermediate.

            Masasayang palaro naman ang sumunod na nagpasaya sa mga bata at maging sa mga magulang. Nagkaroon ng straw relay, bring me, stop dance at iba pang palaro. Pinakatampok naman sa araw na iyon ang clown na si Boyoyong kung saan nagpakitang gilas siya ng kanyang mga magic na talaga namang nagpahanga at nagpanganga sa mga batang nanonood. Nagkaroon din ng kantahan ang mga mahihilig kumanta sa paaralan na sinimulan ni Kuya Elmer, utility ng paaralan at sinundan naman ni Angelie, office clerk at ng mga guro. At siyempre hindi rin nagpahuli sa kantahan ang maganda at masayahing Santa Claus, walang iba kundi ang punongguro ng paaralan na si Gng. San Pedro.

            Nagkaroon din ng gift giving kung saan tumanggap ang ilang mga mag-aaral ng simpleng regaling grocery mula sa paaralan. Nabigyan din ng regalo mula sa DVM ang mga guro kaya’t lalong nagging masaya ang lahat.

            Matapos ang masayang Christmas Party ng mga bata sa umaga ay ang mga magulang o PTA naman ang nagkasiyahan sa hapon. Nagkaroon din ng mga palaro, kantahan, kainan at kuwentuhan at siyempre mayroon ding exchange gift na lalong nagpasaya sa okasyon.

Comments