Convocations‎ > ‎

February 2011

posted May 11, 2011, 7:41 PM by Mary Grace dela Cruz

Mr. & Ms. Valentine 2011

February 28, 2011

 

 

Ang Valentine Day ay tradisyunal nang ipinagdiriwang tuwing Buwan ng Pebrero. Kaya naman isang munting programa ang ginanap sa Paaralang Elementarya ng Tortugas sa pagdiriwang ng Valentines Day at ito ay ang Mr. & Ms. Valentine 2011.          

                                                               

Sa pag –uumpisa ng palatuntunan, bawat baitang ay may kanya -kanyang kandidato’t kandidata. Talagang kaabang -abang ang kanilang    gagawing talent  at naggagandahang mga kasuotan ng bawat kasali sa Mr. & Ms. Valentine.

 

Bago umpisahan ang programa ay isang taimtim na panalangin na nagmula kay Gng. Jovelyn C. Cantara, guro sa ikatlong baitang upang hingin ang pagpapala at pasasalamat mula sa Panginoong Maykapal. Sinundan naman ito ng pag – awit ng National Anthem sa pagkumpas ni Gng. Carla D. Rivera, guro sa baitang VI. Isang pagbati naman para sa lahat ang nagmula sa aming mabait at masipag na punong -guro  na si Gng. Jennifer G. De Guzman. Samantala ay isa – isa naming ipinakilala ang mga napiling hurado para sa  nasabing tagisan at ito ay sina Gng. Jennifer G. De Guzman, Punong - Guro II, Gng.Corazon Garcia, at si Gng. Jennifer N. Pajares, guro sa EPP / HEKASI. At matapos ito, isa – isang ipinakilala ni G. Jefferson V. Nisay guro sa Pre – Elem ang mga kandidato’t kandidata para sa nasabing patimpalak sa pamamagitan ng kanilang natatanging pagrampa.  Mula sa Pre -  Elem na sina Migs Y. Diwa, Tyra Nicole P. Pedroza, Carhl Andrei D. Gionson at Yssabelle Mari A. Fabian. Sa baitang I ay sina Ivers on  G. Reyes at Joycel G. Mania. Sa baitang II ay sina Therese Audrey J. Nulod, Nhylmer Jhosh A. Dela Cruz at Shanel Castine D. Salmingo.  Sa baitang III ay sinaMarc Joel S. Sanchez at Angel Grace E. Hipolito. Sa baitang IV ay sina Rhizia Joyce Sanchez, Ralph Matthew D. De Leon at Shermae S. Magrata. Sa baitang V ay sina Jyneil P. Dela Rosa, Mark Alexis N. Salaveria at Haniel P. Salaveria. Sa baitang VI ay sina Donn Andrew Tolentino, Darling De Leon, Reden S. Magrata, Mary Christian Joy Sanchez, Aljon Poblete, Rodelyn Dela Cruz, Yvan Michael Dinglasan at Jamilla Dela Cruz. Pagkatapos rumampa ng mga candidates, nagraffle muna ng mga tickets ang mga GPTA officers kung saan mula Pre – Elem hanggang baitang III ay tig – 3 ang mga mananalo sa bawat grade level. Sinundan naman ito ng pagpapamalas ng kanilang talento mula kinder hanggang baitang VI na kung saan lahat sila ay kinakitaan ng galing at husay sa larangan ng pagsayaw sayaw. Matapos ito, ipinagpatuloy ang pagraffle ng mga tickets at ito ay sa baitang IV hanggang baitang VI. Tig – 3 ang mga mananalo sa bawat grade level. Pagkatapos mag-raffle, muling rumampa sa entablado ang mga kandidato’t kandidata sa ikalawang pagkakataon at maraming nagsasabi na maganda at pinaghandaan lahat ng mga magulang na kasali ang mga anak sa nasabing kompetisyon. Para sa Buwan ng Pebrero, iginagawad sa mga piling bata ang pagiging HUWARANG  MAG – AARAL mula Pre – Elem hanggang baitang VI. Bago sabihin ang mga nagsipagwagi sa paligsahan, nagbigay ng mensahe  ang isa sa GPTA officers na si Gng. Juliet B. Poblete. Sa pagtatapos ng programa isa – isa naming inihayag ang mga nagwagi. Ang best in talent ay nakamit ni Donn Andrew Tolentino sa lalaki at Joycel G. Mania sa babae. Para sa best in attire naman nakuha ito ni Reden S. Magrata sa lalaki at Audrey J. Nulod sa babae. At ang hinirang naman na Mr. &  Ms.  Valentine  2011 ay walang iba kundi si Donn Andrew Tolentino at Therese Audrey J. Nulod.

 

Sa pagtatapos ng programa masasabing tunay na nakapagbigay ito ng saya hindi lang sa mga batang kasali kundi pati na rin sa mga taong nakasaksi ng kanilang husay at galing sa nasabing programa.

 

 

 

Comments