Convocations‎ > ‎

July 2010

posted May 11, 2011, 7:24 PM by Mary Grace dela Cruz

National Disaster Consciousness Month

Theme: Pag Alerto, Malayo sa Peligro

&

NUTRITION MONTH

 

 
 
          
Agosto 04, 2010 ay ginanap sa aming paaralan ang Pagdiriwang para sa Buwan ng Hulyo, ito ay ang Nutrition Month. Sa pagsisimula ng programa ay isang panalangin sa pangunguna ni Gng. Connie M. Andrade, guro sa baitang apat kasunod nito ay ang pag-awit ng national anthem ay Balangueño Hymn sa pangunguna ni Gng. Anna May D. Macalinao. Sa pamamagitan ni Gng. Corazon C. Garcia, ay nagpaabot ng mensahe ang aming minamahal na punong-guro na si Gng. Jennifer G. De Guzman sa mga mag-aaral at guro ng aming paaralan. Matapos nito tinalakay naman ni Gng. Jennifer N. Pajares, School Nutrition Coordinator ang mga naganap na aktibidades sa buwan ng Hulyo tulad ng naganap na Cookfest at Pagpili ng A1 Child, Poster Making Contest na may temang “Pag Alerto, Malayo sa Peligro. Nagpakitang gilas naman ang mga mag-aaral na nakiisa sa naganap na SLAC sa Batang Sining noong nakaraan lamang sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang puppet show na sinundan pa ulit ng isang sayaw na nagmula naman sa baitang isa. Bawat isa ay nakaindak sa masayang tugtugin. Matapos nito ay pinasimulan na ang pinaka main event ng programa at ito ay ang Nutri-Jingle Contest na sinalihan naman ng mga piling mag-aaral sa Pre-elem hanggang baitang VI. Lahat ay nagpakita ng angking talent sa paggawa ng kanilang orihinal na komposisyon tungkol sa nutrisyon. Sa pangunguna naman ni Gng. Ederen D. Dungan kasama ang kanyang mga kasamahang officers ay kanilang pinangunahan ang paggagawad ng mga gantimpala para sa mga naganap na patimpalak sa Buwan ng Hulyo at kasama na rito ang mga Huwarang Mag-aaral para sa Buwan ng Hulyo sa lahat ng baitang. Isang pasasalamat ang ipinahatid ni Gng. Ederen D. Dungan sa ngalan ni Gng. Jonie Dela Vega, GPTA President.
Comments