Convocations‎ > ‎

July 2012

posted Apr 23, 2013, 8:16 AM by Mary Grace dela Cruz

            Paligsahan sa Buwan ng Nutrisyon, Muling Idinaos.                             

Bilang pagkilala sa Presidential Decree No. 490 ( Nutrition Act of the Philippines) ipinagdiwang ng Tortugas Elementary School ang Buwan ng Nutrition noong Hulyo 29 na may temang “Pagkain ng Gulay Ugaliin; Araw – araw Itong Ihain.

Isang parade ang naganap sa pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrition na umikot sa mga pangunahing kalsada ng Barangay Tortugas.

Nagkaroon din ng iba’t – ibang mga contest tulad ng slogan at poster making na maghuhubog sa pagiging malikhain ng mga bata. Sinalihan ito ng mga bata mula sa una hanggang sa ikaanim na baitang.

Ipinakita rin ng mga mag – aaral sa kinder ang kanilang pagiging malikhain sa pamamagitan ng “Fun Coloring Activity” na kung saan ay kinulayan nila ang mga gulay na masusustansya.

Ang A1 Child na taunang sinasalihan ng isang pares na mga mag – aaral sa bawat baitang ay paligsahan sa pagiging malinis at maayos sa buong katawan.

Ang mga magulang din ay nakiisa sa pagdiriwang. Sumali sila sa paligsahan sa pagluluto na kasama ang isa sa kanilang mga anak. Tulong silang nagluto ng “dish” na ampalaya ang pangunahing sangkap. Upang mabuo ang pagdiriwang, isang palatuntunan ang ginanap dakong ikaapat ng hapon para sa kompetisyon sa “Nutri – Jingle”. Sa palatuntunan din sinabi at binigyan ng pagkilala ang mga nakiisa at nagwagi sa mga paligsahang naganap.

Nagwagi  sa Cookfest ang Ampalaya with Oyster Sauce  nina  Gng. Caridad De Leon  at  kanyang apo na si Shanel Castine Salmingo mula sa grade IV. Nakuha naman ng mag-inang Melinda at Anne Grace Tolentino mula sa Grade II-A ang ikalawang pwesto samanatalang ikatlong puwesto  naman ang mag-amang John Percival at Kimberly Ann Laborcero mula sa Grade V.

Samantala nagwagi naman bilang mga A1 Child sina Abraham Reyes at Dayanara Jean Laborcero kung saan kinilala ang kanilang magandang kalusugan at malinis na

pangangatawan. Ilan pa sa mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya ay sina Bienna Joi Torres at Dayanara Jean Laborcero sa slogan at sina Micah Angela Bautista at Mark Louie Cruz naman sa poster making.

Sa kabuuan ay naging matagumpay ang nasabing pagdiriwang dahil na rin sa pakikiisa ng bawat magulang, mag-aaral at mga guro ng paaralan.

Comments