Convocations‎ > ‎

June 2010

posted May 11, 2011, 7:17 PM by Mary Grace dela Cruz

Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

At

National Safe Kids Week

Theme: “Keep Kids Safe Prevent Injuries at Home,

on the Road and in the School”

June 29, 2010

 

 

            Ika-29 ng Hunyo idinaos naming ang isang palatuntunan na may kinalaman sa National Safe Kids Week na may temang ““Keep Kids Safe Prevent Injuries at Home, on the Road and in the School”.

 

            Isang panalangin ang inusal ni Gng. Jovelyn L. Cruzada bilang panimula ng programa na sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awitin sa pagkumpas ni Gng. Connie M. Andrade. Nagbigay naman ng isang maikling mensahe ang aming punong-guro na si Gng. Jennifer G. De Guzman.

 

            Ang  Buwan ng Hunyo ay may ipinagdiriwang din, ito ay ang Araw ng Kalayaan. Nagkaroon ng tagisan ng galing sa pagtula ang mga bata na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa pre-elem hanggang ikalawang baitang. Nagkaroon naman ng quiz bee ang mga piling  bata mula naman sa ikatlong baitang hanggang ikaanim na baitang, ito ay tungkol sa pambansang watawat.

 

            Ang mga guro sa bawat baitang ay naghanda ng pagsasadula na may kinalaman sa pag-iingat ng mga mag-aaral sa ibat-ibang aspeto: tulad ng paglalaro sa palaruan, mga road signs na dapat tandaan, pagkalunod at pagkahulog at pagkalason.

 

            Nagkaroon din ng presentasyon ang mga bata mula sa pre-elem, ikalawang baitang at ikalimang bata ng kani-kanilang galing sa pagsayaw.

 

            At bilang kasiyahan sa mga mag-aaral nagkaroon ng mga regalo ang mga bilang nagsipagwagi. Ang mga nasabing regalo ay mula sa “pera sa basura”.

 

 

Comments