Convocations‎ > ‎

March 2011

posted May 11, 2011, 7:43 PM by Mary Grace dela Cruz

PRE-ELEM GRADUATION

March 29, 2011

 

 

           Isang espesyal na araw para sa mga mag-aaral ng pre-elem sapagkat dumating na ang araw na kanilang pinakahihintay na pagtatapos. Kaya naman noong ika-29 ng Marso ay naganap ang pagtatapos ng pre-elem na dinaluhan nina Assistant to the Office of the ASDS na si Dr. Leonardo D. Zapanta, EPS-I Mathematics, Gng. Emelita A. Yumena, PSDS-District I, Mrs. Flordeliza V. Tuazon, Brgy. Captain Victor A. Baluyot Jr., at Brgy. Kagawad Rogelio De Guzman.

 

            Nagsimula ang palatuntunan ng pagtatapos sa pamamagitan ng isang awit panalangin ng mga piling mag-aaral ng pre-elem. Sinundan ito ng pag-awit ng national anthem na kinumpasan ni Gng. Connie M. Andrade, guro ng baitang IV. Matapos nito ay nagbigay ng mensahe ang aming masipag na Punong Baranggay ng Tortugas na si Brgy. Captain Victor A. Baluyot. Matapos nito, ay pinasimulan na ang seremonya ng pagtatapos na kung saan iniharap ang mga batang magsisipagtapos ni Gng. Jennifer G. De Guzman, Punong-Guro II ng aming paaralan, kasunod nito ay ang pagpapatunay ni Gng. Flordeliza V. Tuazon, PSDS-District I at para sa pagpapatibay ay ipinagkaloob ito ni Dr. Leonardo D. Zapanta, Assistant to the Office of the ASDS kasunod nito ay ang pamamahagi ng katibayan ng pagtatapos at pagbati na rin.

 

            Matapos ang seremonya ang pagtatapos ay sinundan naman ito ni Gng. Emelita A. Yumena na siyang naatasan sa pagbasa ng pagbati at mensahe ng Kalihim ng Department of Education na si Bro. Armin Luistro. Sinundan ito ng pamamahagi ng medalya sa mga batang nagkamit ng karangalan sa Pre-elem at pagbati. Isang pasasalamat naman mula kay Yssabelle Mari A. Fabian, batang nanguna sa Pre-elem sa kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga taong naging susi sa kanyang pagkatuto. Kasunod  nito ay ang maramihang awit na pinaghandaan ng mga mag-aaral sa pre-elem.
Comments