Convocations‎ > ‎

November 2010

posted May 11, 2011, 7:35 PM by Mary Grace dela Cruz

FIELD DAY

November 26, 2011

 

          Ang Field Day ay ipinagdiwang sa Paaralang Elementarya ng Tortugas sa buwan ng Nobyembre. Isang munting programa ang ipinagdiwang ng hapon na iyon at ito ay tinawag na Booth. Bawat baitang kasama na ang kinder/Pre-elem ay naghanda ng kani-kaniyang booth.

 

            Bago pa man umpisahan ang programa ay isang taimtim na panalangin muna ang nagmula kay G. Jefferson V. Nisay, guro sa pre-elem upang hingin ang gabay at pagpapala mula sa Maykapal. Sinundan naman ito ng pag-awit ng pambansang awit sa pagkumpas ni Bb. Mely Rose E. Lopez, guro sa baitang IV. Isang mensahe naman para sa lahat, na nagmula sa aming masipag at mapagmahal ng Punong-Guro II na walang iba kundi si Gng. Jennifer G. De Guzman. Pagkatapos nito iginawad muna sa mga piling mag-aaral ang pagiging “Huwarang Mag-aaral” sa buwan ng Nobyembre mula sa Pre-elem hanggang sa baitang VI. Nagkaroon din ng laro ang mga bata kung saan unahan sila sa pagsagot sa tanong. Bawat tamang sagot ay may nakahandang regalo para sa kanila.

 

            Samantala isa-isa nang ipinakilala ang bawat booth at sinabi sa mga bata kung ano ang mga kailangan nilang gawin sa booth mula pre-elem hanggang baitang VI. Ang Pre-elem ay mayroong tinatawag na Star o Apple Booth ni G. Jefferson V. Nisay, baitang I ni Gng. Anna May Macalinao ay Body Painting Booth, baitang II ni Gng. Concepcion M. Tuazon ay Sticker Booth, baitang III ni Gng. Jovelyn C. Cantara ay Play and Win Booth, baitang IV ni Bb. Mely Rose T. Lopez ay Puzzle Booth, baitang V ni Gng. Novalyn R. Cauilan ay Videoke Booth at ang baitang VI ni Gng. Carla D. Rivera ay Jail Booth. Lahat ng bata ay masayang lumahok sa magaganda at nakakatuwang booth ng bawat baitang. Puno ng galak ang pagtatapos ng programa at bakas ito sa mga ngiting makikita sa kanilang mga mukha. Maging ang mga guro ay masayang-masaya rin sa mga naganap ng hapon na iyon.

 

Comments