Convocations‎ > ‎

October 2010

posted May 11, 2011, 7:32 PM by Mary Grace dela Cruz

Mr. and Ms. UN 2010

November 10, 2010

 
 

Tuwing buwan ng Oktubre ay nagkakaroon ng pagdiriwang ng United Nation. Dito pinapakita ang pagkakaisa ng mga bansa.

 

Mga naggagandahan at naggagwapuhang mag-aaral ng aming paaralan ang naging bida noong nakaraang Nobyembre 10, 2010 sa pagdiriwang ng Mr. & Ms. UN  2010. Ito ay bahagi na rin ng pagdiriwang taun-taon ng United Nation ng aming paaralan.

Isa rin ito sa mga naging fund raising project ng PTA upang makalikom ng pondo para sa proyekto ng paaralan.

Nagpasimula ang programa sa isang panalangin, pag-awit ng national anthem na sinundan naman ng isang mensahe na nagmula sa punong-guro ng aming paaralan.

Matapos ito ay rumampa na sa entablado ang mga  kalahok sa kanilang naggaganda-hang costumes ng mga bansang kanilang inirerepresinta. Mr. & Ms. Egypt sina Rudlin Mar Cauilan at Raquel Ela Rivera,  Mr. & Ms. France naman sina Migz Diwa at Althea Jhorie Salveria at Mr. & Ms. Australia naman sina Karl Clarence Samson at Anne Grace Tolentino na pawang mga kinder. Mr. & Ms. Philippines naman sina Camille Cassandra Beltran at Ronnie Manlapaz habang Mr. & Ms. Hawaii naman sina Athena Marie Pedrosa at Karl Alexis Manansala ng unang baitang. Mr. & Ms. Korea sina Shanel Castine Salmingo at Andrew Adrados at Mr. & Ms. China naman sina Kate Andrea Dungan at Vince Collamar ng ikalawang baitang samantalang Mr. & Ms. Mexico naman sina Dayanarra Jean Laborcero at Marc Jordan Baluyot ng ikatlong baitang. Puerto Rico naman ang bansang inirepresinta nina Rociel Mae Guevarra at John Marc Gatdula ng ika-apat na baitang, Mr. & Ms. USA sina Kyla Santiago at Ricardo Cruz III ng ikalimang baitang at Mr. & Ms. Spain naman sina Darling C. De Leon at Reden Magrata ng ika-anim na baitang.

Itinanghal na Best in Talent sina Mr. & Ms. Puerto Rico, Rociel Guevarra at John Mark Gatdula na nagpakitang gilas sa pagsayaw. Best in Costume naman sina Mr. & Ms. Mexico  na sina Dayanarra Jean Laborcero at Mark Jordan Baluyot, Ms. Photogenic si Darling C. De Leon at Mr. Photogenic naman si Vince Collamar. Nakuha naman ng Mr. & MS. Hawaii ang Best in Float.

Sa huli ay itinanghal na 2010 Mr. & Ms. UN sina Darling De Leon at Reden Magrata ng ika-anim na baitang na nakapagpasok ng pinakamalaking halaga sa naturang fund raising project.

Matapos ang koronasyon ay nagkaroon ng parada ng mga kandidato’t kandidata. Sa kasamaang palad, inabot ng ulan ang parada kaya’t napilitang bumalik sa paaralan ang mga mag-aaral at guro.

Comments