Convocations‎ > ‎

October 2012

posted Apr 23, 2013, 7:04 PM by Mary Grace dela Cruz

     Mga Kandidato’t Kandidata ng UN, Nagpatalbugan!             

Nagpatalbugan sa ganda ng costume at talento ang mga mag-aaral ng Tortugas na lumahok sa Mr. & Ms. United Nations 2012 na ginanap sa Tortugas covered court noong Nobyembre 19. Bagaman ang UN ay ipinagdiriwang tuwing Oktubre, napagkaisahan ng mga guro, magulang at ng punongguro na ganapin ito ng Nobyembre sa kadahilanang maraming naging aktibidad ang paaralan at hindi basta basta maisisingit ang isang mahalagang okasyong tulad nito.

Nagparada  sa mga pangunahing daan ng Barangay Tortugas ang mga  kandidato at kandidata suot ang mga pambansang damit ng bawat bansa na kanilang kinakatawan noong Nobyembre 19 sa ganap na alas tres ng hapon.

Sinundan ito ng pagdaraos ng programa para sa selebrayon ng Nagkakaisang Bansa (UN)  sa covered court ng Tortugas Elementary School (TES).

Isang production number ang nagbukas ng programa galing sa mga batang lumahok sa Mr. at Ms. UN. Sinundan ito ng kani – kanilang pagrampa at pagpapakilala ng mga bansang kanilang kinatawan.

Ang bawat lumahok ay ipinakitang gilas ang kanilang mga natatanging talento tulad ng pagsayaw ng mga tradisyunal na sayaw ng kanilang bansang kinakatawan. Pagkatapos nito, ipinagkaloob ang mga sertipiko para sa lahat ng mga lumahok at tropeyo naman sa mga nagwagi.

Nanalo sa Best in Talent sina Mr. Philippines Chester Paul Reyes at Ms. Philippines Nina Christine Novelo at Ms. Venezuela Nikki Hershey Dionisio. Samanatalang sa  Best in Costume sina Mr. Venezuela Marc Arnel Albino at Ms. Venezuela Nikki Hershey Dionisio. Ang Ms. Photogenic ay si Glynndy de Leon ng KSA at ang Mr. Photogenic ay si Dan Angelo Bernes ng Korea.

Ang nagwagi naman ng Mr. and Ms. UN 2012 ay sina Mr. Canada Yuan Chester S. Escudero at Ms. Venezuela Nikki Hershey Dionisio. Ang nagkamit ng unang pwesto ay sina Mr. Jamaica Marc Joel Sanchez at Ms. China Lougee Ann Piol samantalang ang nagkamit ng ikalawang pwesto ay sina Mr. Brazil John Marc Gatdula at Ms. United kingdom Ysabella Maglaque.

Ang perang nalikom sa gawaing ito ay gagamitin para sa pagbili ng sound system at iba pang pangangailangan ng paaralan.

Comments