Convocations‎ > ‎

September 2012

posted Apr 23, 2013, 6:56 PM by Mary Grace dela Cruz

 TES Ipinagdiwang ang Teacher’s Day.             

Ang mga guro ay kaagapay ng sambayanan tungo sa pag – unlad di lamang ng buhay ng isang nag – aral kundi pati na rin ng kanilang komunidad o bansa na kilabibilangan. Kaugnay nito, binibigyan ng pagpapahalaga ang mga guro di lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Dahi dito nagkaroon ng taunang pagdiriwang  para sa mga guro na tinatawag na “World Teacher’s Day”.

Sa pakikiisa sa pagdiriwang na ito, ang Tortugas Elementary School ay nagdaos ng isang programa para sa kanilang mga guro noong ikalima ng Oktubre na may temang “My Teacher, My Hero.

Ipinakita ng mga mag – aaral ang pakikiisa sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang paligsahan tulad ng poster making, slogan, and essay writing. Gumawa rin sila ng mga personalized greeting cards para ibigay sa kanilang guro.

Samantala, pinasimulan ang natatanging programa sa pamamagitan ng isang “National Prayer for Teachers” na sinundan ng mensahe mula kay Gng. Zenaida C. San Pedro, pununguro ng paaralan.

Nagpakitang gilas din ang mga guro sa pagsayaw kasama ng kanilang punungguro bilang pasasalamat sa mga mag – aaral at mga magulang na nakiisa sa pagdiriwang. Ang pag - aabot ng mga bulaklak at “token of appreciation” sa mga guro ang nagsilbing highlight ng programa.

Ang pagbibigay naman ng premyo sa mga nagwaging mag – aaral ang nagtapos ng programa.

Comments