Convocations‎ > ‎

June 2012

posted Apr 23, 2013, 1:47 AM by Mary Grace dela Cruz

    Paggunita sa Kalayaan Naging Makabuluhan.          

Binigyan ng importansya ang paggunita sa Araw ng Kalayaan at sa kaarawan ni Dr. Jose Rizal sa ginanap na palatuntunan para sa buwan ng Hunyo.

Sinimulan  ito sa isang panalangin na sinundan ng pag – awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Gng. Connie Andrade, guro sa ikaapat na baitang. Nagpaabot rin ng pagbati si Zenaida C. San Pedro, punungguro ng paaralan. Sunundan ito ng pagpapakitang gilas ng mga bata mula sa kinder hanggang sa ikaanim na baitang.

Ipinakita ng mga kinder ang husay nila sa pagtula samantalang ang ikalawang baitang naman ay nagpamalas ng galing sa sabayang pagbigkas. Sabay – sabay nilang binigkas ang tulang “Sa Aking mga Kabata” na iniakda ni Jose Rizal noon siya ay bata pa. Isang patulang pag – awit ng buhay ni Rizal naman ang galing sa ikatlong baitang at sinundan ito ng  madamdaming pagtula naman  ni Kate mula sa ikaapat na baitang na may temang “Pagmamahal sa Sariling Bansa”. Ang ikalimang baitang ay umawit ng makabayang awiting pinamagatang “Ang Bayan Ko”. At sa huli ang ikaanim na baiting ay nagpamalas ng “interpretative dance” na may temang Kalayaan ng Pilipinas.

Natapos ang palatuntunan sa isang community singing na pinangunahan ni Gng. Anna May Macalinao. galing sa ikatlong baitang at sinundan ito ng  madamdaming pagtula naman  ni Kate Andrea D. Dungan, mula sa ikaapat na baitang na may temang “Pagmamahal sa Sariling Bansa”. Ang ikalimang baitang ay umawit ng makabayang awiting pinamagatang “Ang Bayan Ko”. At sa huli ang ikaanim na baiting ay nagpamalas ng “interpretative dance” na may temang Kalayaan ng Pilipinas.

Natapos ang palatuntunan sa isang community singing na pinangunahan ni Gng. Anna May Macalinao.


 

 

 


 


 


ą
Mary Grace dela Cruz,
Apr 23, 2013, 7:42 AM
Comments