More News...

Sinimulan ang workshop sa isang maikling opening program na pinangunahan ni Dr. Hilario Garcia, city consultant. Sinundan ito ng iba't ibang aktibidad na talaga namang nagpasaya at nagpagana sa mga mag-aaral. Ilan sa mga aktibidad na ginawa ay ang mga sumusunod:
T-shirt art, Story Telling, Book making, Clorox painting, at Puppet Making. Ilan naman sa mga larong kinagiliwan ng mga bata ay ang Tableau of objects kung saan ang bawat grupo ay bumubuo ng imahe sa pamamagitan ng kanilang mga sariling katawan. Mayroon ding Mirror me game kung saan ang magkaparehas ay mag-aala salamin at gagayahin ang ginagawa ng isa’t isa. Nagkaroon din ng Human sculpture kung saan my batang magsisilbing skultor at ang isa naman ay ang clay na siyang ihuhubog ng skultor sa anumang kanyang maibigan.

Binuo ng siyam na grupo ang mga participants sa nasabing training na kinabibilangan ng Baypark Barkada, Tropang Alimango, Batang Hero, FAB Kids, Corregidor  Kids, Batang Balangueño, Batang World Class, Tropang Banga at Batang 3G. Nagwagi sa tableau of objects ang mga Batang hero, sinundan ng Tropang Alimango at ng FAB Kids.

Kinilala rin ang mga batang nagpakita ng husay sa iba’t ibang larangan. Nag-uwi ng parangal ang mga batang Tortugas sa pangunguna ni Darling C. De Le

on na nagkamit  ng Best in Storybook making at Best in T-shirt Art. Nagkamit din ng Best in T-shirt art si Aljon Poblete at Best in Puppet making naman sina Kyla Santiago at Nikki Hershey Dionisio. Kinilala naman bilang Outstanding Batang sining ng kani-kaniyang grupo sina Darling De Leon at Aljon Poblete sa kanilang aktibong pakikilahok sa bawat gawain at sa husay na kanilang ipinakita sa bawat art activity na kanilang ginawa.

Naging magatumpay sa kabuuan ang ginanap na Batang Sining workshop na naglalayong lalong gawing world class ang mga batang Balangueño na mahuhusay hindi lamang sa academic o sports kundi maging sa larangan ng arts.

Comments