Previous Events

Mr. & Ms. Valentine...

Narito ang kandidato't kandidata ng bawat baitang:

Kinder:      Athena Marie P. Pedroza
                Chester Paul H. Reyes
Grade I:     Mariel R. Robles & Marc Angelo Sanchez
                 Kate Andrea Dungan
                 Jasmine D. Enriquez
Grade II:    Lean Jenna Din & James Andrei Gacusan
Grade III:   Shermae Magrata & Vincent Sumile
Grade IV:   Kyla M. Santiago & Mark Gioffrey Salvador
Grade V:    Darling C. De Leon & Jerald Dela Cruz
                 Patricia Aileen Diwa & Marvin Sanchez
                 Mary Christian Joy Sanchez & Anthony Carl De Leon
Grade VI:   Mariel Jaya G. Ligon & Marc Lester Miranda
                 Trizcia Ann Sumile & Joemel Roy Torres
                 Renz Rowen De Leon
Nagwaging Mr. Valentine si James Andrei Gacusan ng ikalawang baitang samantalang si Shermae Magrata naman ng Grade III ang itinanghal na Ms. Valentine. Nakuha naman ni Vincent Sumile ng ikatlong baitang ang "Best in Talent" sa mga lalaki sa kanyang madamdaming pag-awit ng Beautiful in my Eyes samantalang si Kyla Santiago naman ng ikaapat na baitang ang nagwagi sa parehong kategorya sa mga babae. Nakuha naman nina Marvin Sanchez ng ikalimang baitang at Mariel Robles ng unang baitang ang "Best in Attire."

Matapos ang koronasyon ay isang masayang disco naman ang lalong nagpalitaw ng galing ng mga batang Tortugas sa pagsayaw na inabot hanggang alas-9 ng gabi. Ang makukulay na ilaw at sound system na ginamit courtesy of our beloved City Mayor Hon. Jose Enrique S. Garcia III.

CLRAA 2010, Pinaghahandaan na


Kasalukuyang ginaganap ngayon ang “quartering” ng mga manlalaro ng Division of City of Balanga bilang paghahanda sa nalalapit na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA).

Nagsimula ang puspusang paghahanda at pag-eensayo ng mga manlalaro, coaches at trainors noong ika-5 ng Pebrero sa Balanga Elementary School para sa nasabing kumpetisyon.

 Samantala, isang manlalaro naman ng Tortugas ang nakapasok sa volleyball team ng dibisyon sa katauhan ni Ren James San Pedro na mas kilala bilang “Keso.” Isang mahusay at disiplinadong manlalaro si San Pedro dahilan upang siya ay mapili bilang parte ng volleyball team at magrepresinta sa Dibisyon ng Balanga. Ayon sa kanya, pinaghalong sarap at hirap daw ang kaniyang nararamdaman sa kasalukuyan. Saya dahil marami siyang nakikilalang ibang manlalaro na mula pa sa iba’t ibang paaralan. Hirap, sapagkat kailangan niyang magpursige at magensayong  mas lalong mahasa ang kanyang kakayahan. Ayon din sa kaniya, labimpitong araw silang mananatili sa quartering  para sa CLRAA na gaganapin sa Angeles City at Bulacan sa ika-22 ng Pebrero hanggang Marso 1.

Araw-araw ang kanilang ensayo upang mapanatili ang katatagan ng katawan. Naikuwento din niya sa akin na ang kanilang ensayo ay pagkaraan ng ilang oras matapos ang again at sa tanghali naman bago sila mag-umpisang muli ay binibigyan naman sila ng pagkakataong makapagpahinga upang makaipon ng lakas para sa ensayo sa hapon. Matapos ang aking pakikipanayam kay Keso aynagbigay siya ng maikling mensahe ng paghamon sa mga kapwa mag-aaral. “Kung kaya ko, kaya niyo rin!” wika niya.

Pista 2010 Masayang Ipinagdiwang 

Napuno ng kasiyahan ang baranggay  Tortugas sa taunang pagdiriwang nito ng pista ng Sto. Nino nito

ng buwan ng Enero. Sari-saring aktibidad ang isinagawa ng baranggay council ng Tortugas sa pangunguna ni Kap. Victor A. Baluyot at ng kanyang mga kagawad.

                 Isang bagong pakulo na tinawag na Bancathon ang isinagawa upang mabigyang kasiyahan ang mga mamamayan ng Tortugas. Ang Bancathon ay isang paligsahan sa pamamangka na sinalihan ng mga mamamayan ng Tortugas na karamihan ay mangingisda o mandaragat. Ginanap ang karera sa Tortugas Bay Park ganap na ika-3 ng hapon.

Bilang ikalawang bahagi ng selebrasyon ay  isang  mainit na kumpetisyon ng mga street dancers ang pumuno sa mga kalye ng baranggay. Limang grupo ng mga kalahok ang pumarada at nagbigay kaaliwan sa lahat na kinabibilangan, exclusively ,ng mga mamamayan ng Tortugas. Ang mga kalahok ay kinabilangan ng Otik Orod Group mula sa Pulo, Islaw Group mula sa Lacson St., Mabulate Group mula sa Baluyot St., Anak Dagat Group  mula sa Pulo II at ng Mother of Pearl mula sa iba’t ibang lugar sa Tortugas. Itinanghal na kampeon ang Otik Orod samantalang pangalawa naman ang Mother of Pearl at ikatlo ang Islaw Group.

Kaugnay din nito ay isang stage play ay ipinakita ng mga mag-aaral ng Tortugas upang higit na maunawaan ng lahat ang pinagmulan at dahilan ng pagdiriwang ng pista ng Sto. Nino na siyang patron ng Tortugas. Nagkaroon rin nga mga raffle regalo at awarding ng Best Brgy.

 

 

 

Comments